Latest Music :
Home » , » Parokya Ni Edgar - Salamat Po

Parokya Ni Edgar - Salamat Po

| 0 comments


www.Musiclyrics41.blogspot.com




Lyrics of Salamat Po – Parokya Ni Edgar

Masarap tumunganga, halika na,
Di mo na kailangan pang magsalita,
Parang blessing kung wala kang magawa,
Titingin ka lang sa langit at kakanta

Tungkol sa dampi ng araw, at sa haplos ng hangin,
At sa halik ng alon sa pisngi ng buhangin,
Tanawing kay ganda, parang sinasadya,
Mapapahanga ka sa lumikha,
Kung sino man kayo, salamat po.

Ang sarap lang tumambay at magsama-sama,
Parang mamamatay na tayo sa kakatawa,
Masarap ding tumambay na mag-isa,
Hihiga ka lang sa kama at kakanta

Tungkol sa agos ng buhay at sa daloy ng tadhana,
At sa nakakalunod na pagbuhos ng biyaya,
Wala’ng lahat ng ito kung ‘di dahil sa’yo,
Alam ko na ikaw ay totoo,
Kung sino man kayo, kung nasa’n man kayo
Kung sino man kayo, salamat po.

Share this article :

No comments:

Post a Comment

 

Music - Top Blogs Philippines Music blog My Ping in TotalPing.com eXTReMe Tracker Submit Your Site To The Web's Top 50 Search Engines for Free!
Proudly powered by Blogger