Latest Music :
Showing posts with label Basil Valdez. Show all posts
Showing posts with label Basil Valdez. Show all posts

Basil Valdez - Nais Ko



Lyrics of Nais Ko – Basil Valdez

Nais Ko – Basil Valdez

Nais kong maihip ng hanging walang patutung’han
Parang ibong wala ring hangarin kundi ang lumipad nang lumipad
Nais kong lumipad

Nais ko ring maagos ng alon saan man mapadpad
Kahit na isdang mumuntiin, hangari’y lumangoy nang lumangoy
Nais kong lumangoy

CHORUS:
Nais kong malibot ang mundo sa kanyang kasuluk-sulukan
Nais kong makita ang paligid kong puno ng kagandahan
Nais kong makadama ng kakaibang damdamin kahit minsan man lang
Habang ako ay may buhay, wala nang hangarin pang tunay
Nais ko…nais ko…

REFRAIN:
Nais kong maulit ang buhay kung may pagkakataon
Upang mamalas ang mga bagay-bagay na ‘di ko natanto sa aking buhay
Nais kong maulit pa, ulit-ulitin pa ang buhay ko.

Repeat STANZA 1, CHORUS and REFRAIN
(Nais ko) Nais kong mabuhay muli
(Nais ko) Nais kong maulit muli
Ulitin muli, ulitin muli, paulit-ulit, ulit, muli
(Nais Kong ibalik paulit-ulit, ulit muli)
Ito ang nais ko… Nais ko… Ito ang nais ko

Basil Valdez - Hanggan Sa Dulo Ng Walang Hanggan



Lyrics of Hanggan Sa Dulo Ng Walang Hanggan – Basil Valdez

Hanggan Sa Dulo Ng Walang Hanggan – Basil Valdez

Hanggang sa dulo ng walang hanggan
Hanggang matapos ang kailan pa man
Ikaw ang siyang mamahalin at lagi nang sasambahin
Manalig kang di ka na luluha giliw

At kung sadyang siya lang ang iyong mahal
Asahan mong ako’y di hahadlang
Habang ikaw ay maligaya ako’y maghihintay
Maging hanggang sa dulo ng walang hanggan

Giliw kung sadyang siya lang ang iyong mahal
Asahan mong ako’y di hahadlang
Habang ikaw ay maligaya ako’y maghihintay
Maging hanggang sa dulo ng walang hanggan

Basil Valdez - Bayan Ko



Lyrics of Bayan Ko – Basil Valdez

Ang bayan kong Pilipinas
Lupain ng ginto’t bulaklak
Pag-ibig ang sa kanyang palad
Nag-alay ng ganda’t dilag.
At sa kanyang yumi at ganda
Dayuhan ay nahalina
Bayan ko, binihag ka
Nasadlak sa dusa.

Ibon mang may layang lumipad
Kulungin mo at umiiyak
Bayan pa kayang sakdal dilag
Ang di magnasang makaalpas!
Pilipinas kong minumutya
Pugad ng luha ko’t dalita
Aking adhika,
Makita kang sakdal laya!

 

Music - Top Blogs Philippines Music blog My Ping in TotalPing.com eXTReMe Tracker Submit Your Site To The Web's Top 50 Search Engines for Free!
Proudly powered by Blogger