Latest Music :
Showing posts with label Gloc 9. Show all posts
Showing posts with label Gloc 9. Show all posts

Gloc 9 - Lando


www.Musiclyrics41.blogspot.com




Lyrics of Lando – Gloc 9

Lando – Gloc 9

Chorus:
Wag kang mabahala may nagbabantay sa dilim
Nakaabang sa sulok at may hawak na patalim
Di ka hahayaan na muli pang masaktan
Wag ka nang matakot sa dilim

Ito ay kwentong hango na galing sa dalawang taong
Nagmamahalan ng tunay ang ngala’y Elsa at Lando
At kahit parang pagkakataon ay nakakandado
Dahil magkalayo ang uri ng buhay ang estado
Ng buhay ni Lando ay di nalalayo sa marami
Sinunog ng araw ang kulay ng balat at marami
Ng galon ng pawis ang kanyang naidilig sa lupa
Upang ang gutom ay di na masuklian pa ng luha
Habang ang babaeng kanyang minamahal ay sagana
Ngunit kabilang sa pamilya na di alintanang
Makipagkapwa-tao sa mga tulad niyang dukha
Gayon pa ma’y patuloy ang pagmamahal na pinula ng pagibig

Repeat Chorus

Kahit na ano pang bagay ang pilit na ihadlang
Sino man ay walang makakapigil sa paghakbang
Ng mga paa na ang nais ay marating ang ligaya
Niyayang magtanan di nag-atubili na sumama
Hawak ang pangarap at pangako sa isa’t isa
Nagpakalayo-layo di namuhay na may kaba
Dahil alam nila na sa bawa’t isa’y nakalaan
At ang pagmamahalan tangi nilang sinasandalan
Wala ng ibang bagay pa silang mahihiling
Kundi isang pamilya sa loob ng apat na dingding
At isang bubong na maaaring tawaging tahanan
Bakit may pangit na kabanatang kailangang daanan pa

Repeat Chorus

Isang gabi na Huwebes lumubog na ang araw
Doon tayo magkita pasalubong ko’y siopao
Upang ating paghatian pagdating ng hapunan
Meron palang nakaabang sa amin na kamalasan
Eskinita sa Ermita may sumaksak kay Elsa
Sa tagiliran isang makalawang na lanseta
Ang gamit upang makuha lang ang kanyang pitaka
Kami’y mahirap lamang bakit di na siya naawa
Hindi ko naabutang buhay ang aking mahal
At hanggang sa huling hantungan ay nagdarasal
Bakit po bakit po ang laging lumalabas
Sa ‘king bibig palaboy-laboy ni walang landas
Akong sinusunod baliw sa mata ng marami
Siguro nga di ko na kilala aking sarili
Pangala’y taong grasa may patalim na gamit
At ang tanging alam ay isang malungkot na awit
At ang sabi

Repeat Chorus

Wag ka nang matakot sa dilim

www.Musiclyrics41.blogspot.com

Gloc 9 (Ft. Regine Velasquez-Alcasid) - Takipsilim


Lyrics of Takipsilim – Gloc9 (Ft. Regine Velasquez-Alcasid)
CHORUS:
Di ko sana binitawan ang iyong mga kamay
At sa paglipas ng taon ako sayo ay sumabay
Alalayan at masamahan ka sa huli
‘yan ay di ko ginawa
Noong ikaw ay akin pa
VERSE 1:
Pag gising sa umaga, deretcho sa banyo
Naligo ng maaga, nilakasan ang radyo
Habang pinili ang paborito ko’ng damit
Na ginagamit ko nung tayoy magka kilala
Lumabas ng bahay, tumingala sa langit
Kahit na tulala ay mahinang inaawit
Saking sarili ang himig na nadinig
Sa radyo noong (sa radyo) tayoy magkakilala
(Chorus)
VERSE 2:
Kahapon ay nanggaling ako sa manggagamot
at ang laman ng hangin sa bagay di aabot
Kahit nalaman ay di naman ako galit
Ibinaling ko sa dami ng naalala
BRIDGE:
Tanong ko sa aking sarili
Ano ang gagawin ko?
Lahat ng tila imposible
Pagkakasyahin ko
Lalangoy sa dagat maliligo sa ulan
Maghahanap ako makahiya sa damuhan
Habang lumalakad ng naka paa sa putikan
ang oras ay ngayon walang tanong na kailan
Asintahin mga bitwin pag mamasdan ng mabuti
Mag bebenta ng mura di bale na kung malugi
Wag kang mag aalangan bawasan ang muni muni
Dapat di ka natatakot bahala na kung mahuli
Aking sasabihin ang lahat ng gusto kong sabihin
Lulusungin ang lahat ng gusto kong sisirin
Mailap na kasaguta’y aking hahanapin
Ang mga mahal sa buhay ko ay aking yayakapin
Lumuhod sa ama tumingila
Nang ang maling nagawa mabaliwala
Ang paalam ay isang malungkot na salita
Lalo na kung marami ka pang hindi nagawa
Kaya sabihin mong mahal mo sya bago mahuli ang lahat
Kalagan mo ang dilang kagat
Tapos bumalik sa umpisa para lang humina lahat
At marinig mo ang tamat tapat
Dahil ang buhat natin ay hiram
Di alam kung kailan
O kung gano kaigsi ang panahong nakalaan
Buhay natin ay hiram
Yan ay dapat mong alam
Dahil ang kahapo’y di na natin pwedeng balikan
CHORUS:
Di ko sana binitawan ang iyong mga kamay
At sa paglipas ng taon ako sayo ay sumabay
Alalayan at masamahan ka sa huli
‘yan ay di ko ginawa
Noong ikaw ay akin pa

Gloc 9 - Hari Ng Tondo Feat Denise



Lyrics of Hari Ng Tondo Feat Denise – Gloc-9

kahit sa patalim kumapit isang tuka isang
kahig ang may mga kamay na bahid ng galit
kasama sa buhay ng minana isang maling
akala na ang taliwas na minsan ay tama
ang hari ng tondo hari ng tondo
baka mabansagan ka ng hari ng tondo
hari ng tondo hari ng tondo ohhh
baka mabansagan ka ng hari ng tondo

minsan sa isang lugar sa maynila
maraming nangyayare ngunit takot ang
dilang sabihin ang lahat animoy
kagat kagat kahit itagoy di mo pedeng
pigili ang alamat ng utos ko kahit
madami ang ulupong at halos idiin pa ang
laya sa pagkulong sa kamay ng iilan umaubos
kikilan ang lahat ng pumalag walang tanong
ay kitilan ng buhay, buhay magpapatunay
na kahit hindi makulay kailangan mag bigay
pugay sa kung sino ang lamang mga bitukang
halang at kung wala kang alam ay yumuko ka
nalang hanggang sa may nag pasya na
sumalungat sa agos wasakin ang mga kadenang
na syang gumagapos sa kwentong mas astig
pag sa bagong tahi na lunta sabay sabay
natin awitin ng tabing na tolda

kahit sa patalim kumapit isang tuka isang
kahig ang may mga kamay na bahid ng galit
kasama sa buhay ng minana isang maling
akala na ang taliwas na minsan ay tama
ang hari ng tondo hari ng tondo
baka mabansagan ka ng hari ng tondo
hari ng tondo hari ng tondo ohhh
baka mabansagan ka ng hari ng tondo

Nilusong ang kanal na sa pangalan nyay
tumawag alang alang sa iba tsaka na muna
ang paawat sa mali na nagagawa na tila
nagiging tama ang tunay na may kaylangan
ang sya pinatatamasa lahat silay takot
nakakapaso ang iyong galit mga bakal na may
nag babagang tinga papalit palit sa hangin
na masangsang nakakapanga hina ang nana at
hindi mo matangal na parang bang sima ng
pana na nakulawit subalit sa kabila ng
lahat ay ang halimuyak lamang ng iisang
bulaklak ang syang tanging nag hahatid
sakanya sa katinuan at hindi ipagpapalit na
kahit na sino man. ngunit ng dumating ang
araw na gusto nya ng talikuran ay huli na
ang lahat at sa kamay ng kaibigan ipinasok
ang tinga tumulo ang dugo sa lonta ngayon
alam mo na ang kwento ni ASIONG SALONGA

kahit sa patalim kumapit isang tuka isang
kahig ang may mga kamay na bahid ng galit
kasama sa buhay ng minana isang maling
akala na ang taliwas na minsan ay tama
ang hari ng tondo hari ng tondo
baka mabansagan ka ng hari ng tondo
hari ng tondo hari ng tondo ohhh
baka mabansagan ka ng hari ng tondo
 

Music - Top Blogs Philippines Music blog My Ping in TotalPing.com eXTReMe Tracker Submit Your Site To The Web's Top 50 Search Engines for Free!
Proudly powered by Blogger