Latest Music :
Showing posts with label Hambog Ng Sagpro Krew. Show all posts
Showing posts with label Hambog Ng Sagpro Krew. Show all posts

Hambog Ng Sagpro - Bayang Di Magiliw


www.Musiclyrics41.blogspot.com




Lyrics of Bayang Di Magiliw – Hambog Ng Sagpro

Pilipinas ano na kamusta?
akala ko ang paghihirap mo jan ay tapos na
kase napanood ko non sa aking telebisyon
ang kahirapan daw susugpuin ang unang misyon
laging ganon ang sinasabe bago maghalalan
sa mga poste at pader kalat muka nila’t pangalan
pagkatapos nasan na sinabing pagbabago?
wala galing nyo lang mangbola at manggago
di nyo ako masisisi kung bakit ako galit
sino ba matutuwa sa mga panggap mabait
mga bata gutom tapos butas pa ang damit
kayo pormal at may alahas pang nakakabit
mga pagkain nyomarami ang natitira
sila onting bigas paghahatian ng lima
kayo’y may malalawak na mansyon bilang tahanan
habang sila siksikan ang anak nila mahirap mapatahan

(lyrics)
Pilipinas bakit ka animo’y
paraisong gumuho pati tuloy aking anino’y
takot ng bumalik sa aking bayang sinilangan
dahil nagiba’t nadurog na ang perlas ng silangan
kaya ibang pinoy ngayon ay kung kanikanino’y
nagpapakaalipin wag na pong paligoy ligoy
kilos nyo ang intensyon hindi po ang kurapsyon
sa tapat na direksyon yun ang tamang lokasyon

Verse 2
tinigil ko na rin panonood ko ng balita
kasi pareparehas lang ang aking nakikita
patayan,bombahan,barilan,dayaan,katayan
holdapan,sakitan,nakawan,gahasa
saksakan ng dalawang lasing
at mga tao na saksakan ng pagkasinungaling
ganito nalang palagi nangyayari sa pinas
kapag sinilang kang pinoy dapat ikaw ay matigas
dahil di ka makikinabang sa mga binayarang pondo
pambili nila kase ng kotse at ginto at condo
sobrang daming nakurakot pera di lang pangbulsa
nakamaleta pa pag di na kasya nakabangko pa
sila ang tunay na bagyo ng probinsyano’t manilenyo
nagkatawan na tao na Ondoy,Yolanda at milenyo
kung sino ang mayaman ay lalo pang yumayaman
mahirap ay nahihirapan na sa kahirapan na lumaban

(Chorus)
Pilipinas bakit ka animo’y
paraisong gumuho pati tuloy aking anino’y
takot ng bumalik sa aking bayang sinilangan
dahil nagiba’t nadurog na ang perlas ng silangan
kaya ibang pinoy ngayon ay kung kanikanino’y
nagpapakaalipin wag na pong paligoy ligoy
kilos nyo ang intensyon hindi po ang kurapsyon
sa tapat na direksyon yun ang tamang lokasyon

Verse 3
wala ako sa pinas pero ramdam ko kababayan ko
mga talukap ng inyong mata nakababa yan no?
kasi di nyo makita na sa kaliwa nyo’t kanan
may gutom,uhaw may karamdaman at walang tahanan
bulagbulagan at bingibingihan lang kayo
ginagasta ang yamang di naman para sayo
at sa sobrang tibay at kapal ng yong pagmumuka
hanggang dito sa america aking nakakapa

batobato sa langit ang tamaan mabanas
malalakas na magwaldas mas mataas at mas batas
dahil kapag mayaman ka ikaw ang laging biktima
kapag ika’y mahirap kriminal na ang tingin nila
akala ko nagaganap lang ito sa pelikula
basta may pera ka kahit batas ay maninipula
ilang milyong lang katapat ng hustisya at katarungan
maglagay ka lang inosente ka na walang katanungan
teka di pa ako tapos
ako ang boses ng masang pagod na at paos
na gumagastos galing sa trabaho at mga galawan
eh kayo ang ginagastos galing sa kahan ng bayan
mga magnanakaw na nakakurbata at pormal
mga demonyo sa loob sa panlabas mukang normal
eto pa ba ang bayan na ipinaglaban ni Rizal?
pinagharian ng kurakot nawala na ang dangal
teka di pa ko tapos susulitin ko na to
umabot man sulat sayo ay pupunitin mo lang to
sa pwesto ay nagpapatayan magpangako magaling
sa pagtupad wala na sa kapangyarihan dun sakim
kelan kayo kikilos hanggang kelan maghahantay
kapag sa kababayan mo marami na ang namamatay?
bangon nyo ang pilipinas wag gawing impyerno to
“PROUD akong pinoy ngunit kinahihiya ko ang GOBYERNO ko”

Submitted by: mardeza u. edzla jr.

Ang GF Kong Selosa Ft. Ynnah – Hambog Ng Sagpro Krew


Lyrics of Ang GF Kong Selosa Ft. Ynnah – Hambog Ng Sagpro Krew

alam mo yung feeling na, bawat kilos mo nakakatakot
kasi yung girlfriend mo napaka-selosa

verse i:

ang aking girlfriend, napaka, napaka, napaka, napaka-selosa talaga
kala mo si mike enriquez kung mag-imbestiga
saking cp sa pc pati sa fb pa
para ba kong inupo sa silya elektirka
pag sya ay galit sasabihan pa kong “leche ka!”
may pahabol pa “peste ka” easy lang “pwede ba?”
sorry na “bente pa” dami ah “eh teka”
benteng sorry? ano bang nagawa ko?
“ang dami mong kausap dun sa facebook tarantado”
oh di ba? (hehe) kung magselos sya ay grabe
pinapaiwas pa ko sa mga tropa kong babae
eh kasi wala daw syang tiwala sa nakapaligid
kahit tropa lamang baka daw ako ay mapaibig
eh alam mo naman sa puso ko kaw lang nagpalukso
“kahit na basta sexy kaw pa bilis mong matukso”

chorus:
mali ba na ako ay mangamba
na baka maagaw ka sa akin ng iba
ang nais ko lang ay sabihin mo
na tanging ako ang nasa puso mo

verse ii:

pag ako ay nagpaalam isip nya ay masama na
‘di daw ako pwedeng lumabas pad di ko sya kasama
pag ang cellphone ko ay tumunog sya pa nauuna
tumingin at sasabihin nya “bilis mong magbura ah?”
malapit ko na ngang mamura itong aking mahal
san ba may tindang mura o kahit pa mahal
na agimat ang kapangyarihan magbigay tiwala
bibigay ko lang sa girlfriend ko na super maghinala
kung ako ay pagaralan daig nya pa ang soco
sa tuwing labas ko kala nya deretso ko ay sogo
ang taba ng utak noh kasing taba ni jessica soho
sogo daw punta eh umalis ako ng solo
pati sa facebook ko ay paa sya nang may-ari
pag sa inbon may nag-hi, ako pa ang mayayari
kasalanan ko ba na mag-message sila
“hay nako meron ka na sigurong iba”
kita nyo dib a ako’y nananahimik
salubong na kilay nya at mata nya ay nanlilisik
“ba’t tagal mo magreply ha? katext mo ba ang ex mo?”
ang dami mong kulet abf kulets mo ha na-gets mo?
di ako natatawa hindi toh biruan

ayokong magreply ka sa mga text kahit na sino yan
ang maglike ako ng pics at status bawal din
“ganyan sya kaselosa?”
ou ganyan men

chorus:
mali ba na ako ay mangamba
na baka maagaw ka sa akin ng iba
ang nais ko lang ay sabihin mo
na tanging ako ang nasa puso mo

verse iii

di ka nakamarijuana, dir in nakasindi
pero ba’t tamang hinala mo napakatindi
pero kahit na selosa ka’t ako’y sinakal
yan ang dahilan kung ba’t lalo kitang minahal
dahil kung angkinin mo ko daig mo pa si inay
mabuti nang ipagdamot mo ko kaysa pamigay
pag may lumalandi sakin tiyak malilintikan sila
imbis na ako’y magalit naintindihan kita
pinapakita mo lang naman na ayaw mo, di ba
na mawala ako sayo at mapunta ko sa iba
bawal na din ako makipagusap kung kanikanino
kulang nalang magselos ka na rin saking anino
pag ikaw ay nagseselos sarap sa pakiramdam
kasi kung di mo ko mahal wala ka nang pakialam
sayong sayo lamang kaluluwa puso at katawan
kaya kung girlfriend nyo’y selosa wag nyo ng pakawalan

chorus:
mali ba na ako ay mangamba
na baka maagaw ka sa akin ng iba
ang nais ko lang ay sabihin mo
na tanging ako ang nasa puso mo

alam mo? kahit napaka-selosa mo?
mahal na mahal kita..
at saka, tandaan mo toh ha,
sayong sayo lang ang prinsipe ng sagpro
at ikaw, ang nagiisang prinsesa ko

Muli – Hambog Ng Sagpro Krew


Lyrics of Muli – Hambog Ng Sagpro Krew

Hook:
kung sakali man magagawa kong
ibalik ang oras na ikay nasa tabi
di ko na mahahayaan pang masaktan ka
at sa akin ay mawalay pang muli

 

Music - Top Blogs Philippines Music blog My Ping in TotalPing.com eXTReMe Tracker Submit Your Site To The Web's Top 50 Search Engines for Free!
Proudly powered by Blogger